Hindi ka ba tumingin sa mga [mapagpaimbabaw na] tumangkilik sa mga taong [Hudyo na] nagalit si Allāh sa mga iyon? Sila ay hindi kabilang sa inyo [O mga mananampalataya] at hindi kabilang sa mga [tagatangging sumampalatayang] iyon. Sumusumpa sila sa kasinungalingan habang sila ay nakaaalam. Al-Mujādilah 58:14 ⧉
Tafsīr:
Hindi ka ba tumingin, O Sugo, sa mga mapagpaimbabaw na nakipagtangkilikan sa mga Hudyo, na nagalit si Allāh sa mga iyon dahilan sa kawalang-pananampalataya ng mga iyon at mga pagsuway ng mga iyon? Ang mga mapagpaimbabaw na ito ay hindi kabilang sa mga mananampalataya at hindi kabilang sa mga Hudyo. Bagkus sila ay mga nag-uurong-sulong: hindi kampi sa mga ito at hindi sa mga iyan. Sumusumpa sila na sila raw ay mga Muslim, at na sila raw ay hindi naghatid ng mga ulat hinggil sa mga Muslim sa mga Hudyo samantalang sila ay mga sinungaling sa panunumpa nila.