Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Mujādilah — Talata 13 (Tagalog) — Bidyo

Al-Mujādilah • Talata 13 sa 22 • Tagalog


أَأَشْفَقْتُمْ أَنْ تُقَدِّمُوا بَيْنَ يَدَيْ نَجْوَاكُمْ صَدَقَاتٍ ۚ فَإِذْ لَمْ تَفْعَلُوا وَتَابَ اللَّهُ عَلَيْكُمْ فَأَقِيمُوا الصَّلَاةَ وَآتُوا الزَّكَاةَ وَأَطِيعُوا اللَّهَ وَرَسُولَهُ ۚ وَاللَّهُ خَبِيرٌ بِمَا تَعْمَلُونَ 13
Pagsasalin:
Nabagabag ba kayo [sa karukhaan] na maghandog kayo, bago ng sarilinang pag-uusap ninyo, ng mga kawanggawa? Kaya kapag hindi ninyo nagawa at tumanggap si Allāh sa inyo ng pagbabalik-loob ay magpanatili kayo ng pagdarasal, magbigay kayo ng zakāh, at tumalima kayo kay Allāh at sa Sugo Niya. Si Allāh ay Mapagbatid sa anumang ginagawa ninyo. Al-Mujādilah 58:13
Tafsīr:
Nangamba ba kayo sa karalitaan dahilan sa paghahandog ng kawanggawa kapag sarilinang nakipag-usap kayo sa Sugo? Kaya kapag hindi ninyo nagawa ang ipinag-utos ni Allāh mula sa mga ito at tumanggap naman Siya sa inyo ng pagbabalik-loob yayamang pumayag Siya para sa inyo sa pagwaglit niyon, magsagawa kayo ng pagdarasal ayon sa pinakalubos na paraan, magbigay kayo ng zakāh ng mga yaman ninyo, at tumalima kayo kay Allāh at sa Sugo Niya. Si Allāh ay Mapagbatid sa anumang ginagawa ninyo: walang nakakukubli sa Kanya na anuman sa mga gawain ninyo, at gaganti sa inyo sa mga ito.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Mujādilah • Talata 12 Susunod Al-Mujādilah • Talata 14