Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Mujādilah — Talata 12 (Tagalog) — Bidyo

Al-Mujādilah • Talata 12 sa 22 • Tagalog


يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا إِذَا نَاجَيْتُمُ الرَّسُولَ فَقَدِّمُوا بَيْنَ يَدَيْ نَجْوَاكُمْ صَدَقَةً ۚ ذَٰلِكَ خَيْرٌ لَكُمْ وَأَطْهَرُ ۚ فَإِنْ لَمْ تَجِدُوا فَإِنَّ اللَّهَ غَفُورٌ رَحِيمٌ 12
Pagsasalin:
O mga sumampalataya, kapag sarilinang nakipag-usap kayo sa Sugo ay maghandog kayo, bago ng sarilinang pag-uusap ninyo, ng isang kawanggawa. Iyon ay higit na mabuti para sa inyo at higit na dalisay. Ngunit kung hindi kayo nakatagpo [ng maikakawanggawa], tunay na si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain. Al-Mujādilah 58:12
Tafsīr:
Noong nagpadalas ang mga Kasamahan sa sarilinang pakikipag-usap sa Propeta – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – nagsabi si Allāh: "O mga sumampalataya, kapag nagnais kayo ng pakikipaglihiman sa Sugo ay maghandog kayo, bago ng pakikipaglihiman ninyo, ng isang kawanggawa. Ang paghahandog na iyon ng kawanggawa ay higit na mabuti para sa inyo at higit na dalisay dahil sa taglay nito na pagtalima kay Allāh, na nagpapalinis sa mga puso. Ngunit kung hindi kayo nakatagpo ng maikakawanggawa ninyo, walang maisisisi sa inyo sa pakikipaglihiman sa kanya sapagkat tunay na si Allāh ay Mapagpatawad sa mga pagkakasala ng mga lingkod Niya, Maawain sa kanila yayamang hindi Siya nag-atang sa kanila maliban ng ayon sa kakayahan nila.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Mujādilah • Talata 11 Susunod Al-Mujādilah • Talata 13