Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Mujādilah — Talata 11 (Tagalog) — Bidyo

Al-Mujādilah • Talata 11 sa 22 • Tagalog


يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا إِذَا قِيلَ لَكُمْ تَفَسَّحُوا فِي الْمَجَالِسِ فَافْسَحُوا يَفْسَحِ اللَّهُ لَكُمْ ۖ وَإِذَا قِيلَ انْشُزُوا فَانْشُزُوا يَرْفَعِ اللَّهُ الَّذِينَ آمَنُوا مِنْكُمْ وَالَّذِينَ أُوتُوا الْعِلْمَ دَرَجَاتٍ ۚ وَاللَّهُ بِمَا تَعْمَلُونَ خَبِيرٌ 11
Pagsasalin:
O mga sumampalataya, kapag sinabi sa inyo na magpaluwang-luwang kayo sa mga pagtitipon [ninyo] ay magpaluwang kayo – magpapaluwang si Allāh para sa inyo [mula sa awa Niya; at kapag sinabi sa inyo na umangat kayo [mula sa kinauupuan] ay umangat kayo – mag-aangat si Allāh ng mga antas sa mga sumampalataya kabilang sa inyo at mga binigyan ng kaalaman. Si Allāh sa anumang ginagawa ninyo ay Mapagbatid. Al-Mujādilah 58:11
Tafsīr:
O mga sumampalataya kay Allāh at gumawa ayon sa isinabatas Niya para sa kanila, kapag sinabi sa inyo na magpaluwag-luwag kayo sa mga pagtitipon ay magpaluwag kayo sa mga iyon, magpapaluwag si Allāh para sa inyo sa buhay ninyong pangmundo at sa Kabilang-buhay. Kapag sinabi sa inyo na bumangon kayo mula sa ilan sa mga pagtitipon upang umupo sa mga iyon ang mga may kalamangan ay bumangon kayo sa mga iyon, mag-aangat ng mga antas na sukdulan si Allāh – kaluwalhatian sa Kanya – sa mga sumampalataya kabilang sa inyo at mga binigyan ng kaalaman. Si Allāh sa anumang ginagawa ninyo ay Mapagbatid: walang nakakukubli sa Kanya mula sa mga gawain ninyo na anuman at gaganti sa inyo sa mga iyon.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Mujādilah • Talata 10 Susunod Al-Mujādilah • Talata 12