Surah Al-Anfāl (Ang mga Nasamsam — الأنفال) (Talata 65)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




8 Al-Anfāl(الأنفال), Talata 65

يَا أَيُّهَا النَّبِيُّ حَرِّضِ الْمُؤْمِنِينَ عَلَى الْقِتَالِ ۚ إِنْ يَكُنْ مِنْكُمْ عِشْرُونَ صَابِرُونَ يَغْلِبُوا مِائَتَيْنِ ۚ وَإِنْ يَكُنْ مِنْكُمْ مِائَةٌ يَغْلِبُوا أَلْفًا مِنَ الَّذِينَ كَفَرُوا بِأَنَّهُمْ قَوْمٌ لَا يَفْقَهُونَ 65 ٦٥

O Propeta, umudyok ka sa mga mananampalataya sa pakikipaglaban. Kung kabilang sa inyo ay may dalawampung magtitiis, dadaig sila ng dalawang daan; kung kabilang sa inyo ay may isang daan, dadaig sila ng isang libo kabilang sa mga tumangging sumampalataya dahil ang mga ito ay mga taong hindi nakauunawa. (65)

Tafsīr
O Propeta, himukin mo ang mga mananampalataya sa pakikipaglaban at hikayatin mo sila roon sa pamamagitan ng nakapagpapalakas sa mga pagtitika nila at nakapagpapasigla sa mga sigasig nila. Kung kabilang sa inyo, O mga mananampalataya, ay may dalawampung magtitiis sa pakikipaglabanan sa mga tagatangging sumampalataya, dadaig sila ng dalawang daan kabilang sa mga tagatangging sumampalataya; kung kabilang sa inyo ay may isang daang magtitiis, dadaig sila ng isang libo kabilang sa mga tagatangging sumampalataya. Iyon ay dahil sa ang mga tagatangging sumampalataya ay mga taong hindi nakaiintindi sa kalakaran ni Allāh sa pag-aadya sa mga katangkilik Niya at paggapi sa mga kaaway Niya at hindi nakatatalos sa nilalayon ng pakikipaglaban sapagkat sila ay nakikipaglaban alang-alang sa kataasan sa Mundo.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba