Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Anfāl — Talata 65 (Tagalog) — Bidyo

Al-Anfāl • Talata 65 sa 75 • Tagalog


يَا أَيُّهَا النَّبِيُّ حَرِّضِ الْمُؤْمِنِينَ عَلَى الْقِتَالِ ۚ إِنْ يَكُنْ مِنْكُمْ عِشْرُونَ صَابِرُونَ يَغْلِبُوا مِائَتَيْنِ ۚ وَإِنْ يَكُنْ مِنْكُمْ مِائَةٌ يَغْلِبُوا أَلْفًا مِنَ الَّذِينَ كَفَرُوا بِأَنَّهُمْ قَوْمٌ لَا يَفْقَهُونَ 65
Pagsasalin:
O Propeta, umudyok ka sa mga mananampalataya sa pakikipaglaban. Kung kabilang sa inyo ay may dalawampung magtitiis, dadaig sila ng dalawang daan; kung kabilang sa inyo ay may isang daan, dadaig sila ng isang libo kabilang sa mga tumangging sumampalataya dahil ang mga ito ay mga taong hindi nakauunawa. Al-Anfāl 8:65
Tafsīr:
O Propeta, himukin mo ang mga mananampalataya sa pakikipaglaban at hikayatin mo sila roon sa pamamagitan ng nakapagpapalakas sa mga pagtitika nila at nakapagpapasigla sa mga sigasig nila. Kung kabilang sa inyo, O mga mananampalataya, ay may dalawampung magtitiis sa pakikipaglabanan sa mga tagatangging sumampalataya, dadaig sila ng dalawang daan kabilang sa mga tagatangging sumampalataya; kung kabilang sa inyo ay may isang daang magtitiis, dadaig sila ng isang libo kabilang sa mga tagatangging sumampalataya. Iyon ay dahil sa ang mga tagatangging sumampalataya ay mga taong hindi nakaiintindi sa kalakaran ni Allāh sa pag-aadya sa mga katangkilik Niya at paggapi sa mga kaaway Niya at hindi nakatatalos sa nilalayon ng pakikipaglaban sapagkat sila ay nakikipaglaban alang-alang sa kataasan sa Mundo.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Anfāl • Talata 64 Susunod Al-Anfāl • Talata 66