Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Anfāl — Talata 66 (Tagalog) — Bidyo

Al-Anfāl • Talata 66 sa 75 • Tagalog


الْآنَ خَفَّفَ اللَّهُ عَنْكُمْ وَعَلِمَ أَنَّ فِيكُمْ ضَعْفًا ۚ فَإِنْ يَكُنْ مِنْكُمْ مِائَةٌ صَابِرَةٌ يَغْلِبُوا مِائَتَيْنِ ۚ وَإِنْ يَكُنْ مِنْكُمْ أَلْفٌ يَغْلِبُوا أَلْفَيْنِ بِإِذْنِ اللَّهِ ۗ وَاللَّهُ مَعَ الصَّابِرِينَ 66
Pagsasalin:
Ngayon, nagpagaan si Allāh sa inyo at nalaman Niya na sa inyo ay may kahinaan. Kaya kung mayroon sa inyong isang daang magtitiis, dadaig sila ng dalawang daan; at kung mayroon sa inyong isang libo, dadaig sila ng dalawang libo ayon sa pahintulot ni Allāh. Si Allāh ay kasama sa mga nagtitiis. Al-Anfāl 8:66
Tafsīr:
Ngayon, nagpagaan si Allāh sa inyo, O mga mananampalataya, dahil sa nalaman Niya na kahinaan ninyo. Kaya nagpagaan Siya sa inyo bilang kabaitan sa inyo mula sa Kanya kaya nag-obliga Siya sa isa kabilang sa inyo na magpakatatag sa harap ng dalawa kabilang sa mga tagatangging sumampalataya sa halip ng sampu kabilang sa kanila. Kaya kung kabilang sa inyo ay isang daang magtitiis sa pakikipaglaban, dadaig sila ng dalawang daan; kung kabilang sa inyo ay isang libong magtitiis, dadaig sila ng dalawang libo kabilang sa mga tagatangging sumampalataya ayon sa pahintulot ni Allāh. Si Allāh ay kasama sa mga nagtitiis kabilang sa mga mananampalataya sa pamamagitan ng pag-alalay at pag-aadya.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Anfāl • Talata 65 Susunod Al-Anfāl • Talata 67