Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-An‘ām — Talata 137 (Tagalog) — Bidyo

Al-An‘ām • Talata 137 sa 165 • Tagalog


وَكَذَٰلِكَ زَيَّنَ لِكَثِيرٍ مِنَ الْمُشْرِكِينَ قَتْلَ أَوْلَادِهِمْ شُرَكَاؤُهُمْ لِيُرْدُوهُمْ وَلِيَلْبِسُوا عَلَيْهِمْ دِينَهُمْ ۖ وَلَوْ شَاءَ اللَّهُ مَا فَعَلُوهُ ۖ فَذَرْهُمْ وَمَا يَفْتَرُونَ 137
Pagsasalin:
Gayon ipinang-akit sa marami sa mga tagapagtambal ng mga pantambal nila [kay Allāh] ang pagpatay sa mga anak nila upang magpahamak ang mga ito sa kanila at upang manlito ang mga ito sa kanila sa relihiyon nila. Kung sakaling niloob ni Allāh ay hindi sana sila gumawa niyon. Kaya hayaan mo sila at ang ginagawa-gawa nila. Al-An‘ām 6:137
Tafsīr:
Kung paanong pinaganda ng demonyo para sa mga tagapagtambal ang pasyang mapang-aping ito, pinaganda rin sa marami sa mga tagapagtambal ng mga pantambal nila kabilang sa mga demonyo ang pagpatay nila sa mga anak nila dala ng takot sa karalitaan upang magpahamak ang mga ito sa kanila sa pamamagitan ng pagkakasadlak sa pagpatay ng buhay na ipinagbawal ni Allāh ang pagpatay nito malibang ayon sa katwiran, at upang manlito ang mga ito sa kanila sa relihiyon nila kaya hindi nila nakikilala kung ano ang isinabatas at kung ano ang hindi isinabatas. Kung sakaling niloob ni Allāh na hindi sila gumawa niyon ay hindi sana sila gumawa niyon, subalit Siya ay lumuob niyon dahil sa isang kasanhiang malalim. Kaya iwanan mo, O Sugo, ang mga tagapagtambal na ito at ang paggawa-gawa nila ng kasinungalingan laban kay Allāh sapagkat tunay na iyon ay hindi nakapipinsala sa iyo at isuko mo kay Allāh ang nauukol sa kanila.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-An‘ām • Talata 136 Susunod Al-An‘ām • Talata 138