Nagsabi sila: “Ang mga ito ay mga hayupan at mga pananim na bawal, na walang kakain sa mga ito kundi ang sinumang niloloob natin,” ayon sa pag-aangkin nila. May mga hayupang ipinagbawal ang mga likod ng mga ito at may mga hayupang hindi sila bumabanggit ng pangalan ni Allāh sa [pagkakatay sa] mga ito, dala ng isang paggawa-gawa [ng kasinungalingan] sa Kanya. Gaganti Siya sa kanila sa anumang dati nilang ginagawa-gawa.
Al-An‘ām 6:138 ⧉