Tumutugon lamang ang mga nakaririnig. Ang mga patay ay bubuhayin ni Allāh, pagkatapos tungo sa Kanya sila pababalikin. Al-An‘ām 6:36 ⧉
Tafsīr:
Tumutugon lamang sa iyo habang tumatanggap sa inihatid mo ang mga nakaririnig sa salita at nakaiintindi nito. Ang mga tagatangging sumampalataya ay mga patay na walang kahalagahan sa kanila sapagkat namatay na ang mga puso nila. Ang mga patay ay bubuhayin ni Allāh sa Araw ng Pagbangon, pagkatapos tungo sa Kanya lamang sila pababalikin upang gumanti Siya sa kanila sa anumang gawang ipinauna nila.