Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-An‘ām — Talata 37 (Tagalog) — Bidyo

Al-An‘ām • Talata 37 sa 165 • Tagalog


وَقَالُوا لَوْلَا نُزِّلَ عَلَيْهِ آيَةٌ مِنْ رَبِّهِ ۚ قُلْ إِنَّ اللَّهَ قَادِرٌ عَلَىٰ أَنْ يُنَزِّلَ آيَةً وَلَٰكِنَّ أَكْثَرَهُمْ لَا يَعْلَمُونَ 37
Pagsasalin:
Nagsabi sila: “Bakit kasi walang ibinaba sa kanya na isang tanda mula sa Panginoon niya?” Sabihin mo: “Tunay na si Allāh ay nakakakaya na magbaba ng isang tanda subalit ang higit na marami sa kanila ay hindi nakaaalam.” Al-An‘ām 6:37
Tafsīr:
Nagsabi ang mga tagapagtambal habang mga nangyayamot at mga nag-aantala sa pananampalataya: "Bakit kaya walang pinababa kay Muḥammad na isang tandang mahimala na magiging isang patotoo mula sa Panginoon niya sa katapatan niya kaugnay sa inihatid Niya?" Sabihin mo, O Sugo: "Tunay na si Allāh ay nakakakaya sa pagbaba ng isang tanda ayon sa ninanais nila subalit ang higit na marami sa mga tagapagtambal na humihiling ng pagpapababa ng isang tanda ay hindi nakaaalam na ang pagpapababa sa mga tanda ay alinsunod sa kasanhian Niya – pagkataas-taas Siya – at hindi alinsunod sa hinihiling nila." Kung sakaling nagpababa Siya nito, pagkatapos hindi sila naniwala, talaga sanang nagpahamak Siya sa kanila.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-An‘ām • Talata 36 Susunod Al-An‘ām • Talata 38