Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-A‘rāf — Talata 39 (Tagalog) — Bidyo

Al-A‘rāf • Talata 39 sa 206 • Tagalog


وَقَالَتْ أُولَاهُمْ لِأُخْرَاهُمْ فَمَا كَانَ لَكُمْ عَلَيْنَا مِنْ فَضْلٍ فَذُوقُوا الْعَذَابَ بِمَا كُنْتُمْ تَكْسِبُونَ 39
Pagsasalin:
Magsasabi ang una sa kanila sa huli sa kanila: “Sapagkat hindi kayo nagkaroon higit sa amin ng anumang kalamangan, kaya lasapin ninyo ang pagdurusa dahil sa dati ninyong nakakamit [na kawalang-pananampalataya].” Al-A‘rāf 7:39
Tafsīr:
Magsasabi ang mga pinapanginoong sinusunod sa mga tagasunod nila: "Hindi kayo nagkaroon, O mga tagasunod, higit sa amin ng anumang kalamangang nagiging karapat-dapat kayo dahil dito sa pagpapagaan ng pagdurusa sa inyo sapagkat ang isinasaalang-alang ay ayon sa nakamit ninyo na mga gawa. Walang maidadahilan para sa inyo sa pagsunod sa kabulaanan, kaya lasapin ninyo, O mga tagasunod, ang pagdurusa, tulad ng nilasap namin, dahilan sa dati ninyong nakakamit na kawalang-pananampalataya at mga pagsuway."
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-A‘rāf • Talata 38 Susunod Al-A‘rāf • Talata 40