Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-A‘rāf — Talata 38 (Tagalog) — Bidyo

Al-A‘rāf • Talata 38 sa 206 • Tagalog


قَالَ ادْخُلُوا فِي أُمَمٍ قَدْ خَلَتْ مِنْ قَبْلِكُمْ مِنَ الْجِنِّ وَالْإِنْسِ فِي النَّارِ ۖ كُلَّمَا دَخَلَتْ أُمَّةٌ لَعَنَتْ أُخْتَهَا ۖ حَتَّىٰ إِذَا ادَّارَكُوا فِيهَا جَمِيعًا قَالَتْ أُخْرَاهُمْ لِأُولَاهُمْ رَبَّنَا هَٰؤُلَاءِ أَضَلُّونَا فَآتِهِمْ عَذَابًا ضِعْفًا مِنَ النَّارِ ۖ قَالَ لِكُلٍّ ضِعْفٌ وَلَٰكِنْ لَا تَعْلَمُونَ 38
Pagsasalin:
Nagsabi Siya: “Pumasok kayo sa Apoy kasama sa mga kalipunang nakalipas bago pa ninyo kabilang sa jinn at tao. Sa tuwing may papasok na isang kalipunan ay susumpain nito ang [kalipunang] kapatid nito; hanggang sa nang nagsunuran sila roon nang lahatan ay magsasabi ang huli sa kanila sa una sa kanila: “Panginoon Namin, ang mga ito ay nagligaw sa amin kaya magbigay Ka sa kanila ng isang ibayong pagdurusa mula sa Apoy.” Magsasabi naman Siya: “Ukol sa bawat isa ay ibayo, subalit hindi kayo nakaaalam.” Al-A‘rāf 7:38
Tafsīr:
Magsasabi sa kanila ang mga anghel: "Magsipasok kayo, O mga tagapagtambal, sa Apoy kasama sa kabuuan ng mga kalipunang nagdaan na, bago pa ninyo, sa kawalang-pananampalataya at pagkaligaw kabilang sa jinn at tao sa Apoy. Sa tuwing pumapasok ang isang kalipunan kabilang sa mga kalipunan ay isinusumpa nito ang [kalipunang] huwaran nito na nauna rito sa Impiyerno. Hanggang sa nang nagsunuran sila roon at nagkatipon sila sa kabuuan nila ay magsasabi ang huli sa kanila sa pagpasok, ang mga mababa at ang mga tagasunod, sa una sa kanila, ang mga malaki at ang mga pinapanginoon: "O Panginoon Namin, ang mga malaking ito ay ang mga nagligaw sa amin palayo sa daan ng kapatnubayan kaya magparusa Ka sa kanila ng isang ibayong parusa dahil sa pang-aakit nila sa pagkaligaw para sa amin." Magsasabi si Allāh bilang tugon sa kanila: "Ukol sa bawat pangkatin kabilang sa inyo ay ibayong bahagi ng pagdurusa, subalit kayo ay hindi nakaaalam niyon ni nakatatalos niyon."
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-A‘rāf • Talata 37 Susunod Al-A‘rāf • Talata 39