Huwag kang tumalunton sa anumang walang ukol sa iyo hinggil doon na isang kaalaman. Tunay na ang pandinig, ang paningin, at ang puso, ang bawat isa sa mga iyon ay laging pinananagutan. Al-Isrā’ 17:36 ⧉
Tafsīr:
Huwag kang sumunod, O anak ni Adan, sa anumang walang kaalaman ukol sa iyo hinggil doon para sumunod ka sa mga palagay at haka-haka. Tunay na ang tao ay pananagutin tungkol sa kung sa ano niya ginamit ang pandinig niya, ang paningin niya, at ang puso niya, na kabutihan o kasamaan para gantimpalaan siya dahil sa kabutihan at parusahan siya dahil sa kasamaan.