Magpalubus-lubos kayo ng pagtatakal kapag nagtatakal kayo at tumimbang kayo sa pamamagitan ng timbangang tuwid. Iyon ay higit na mabuti at higit na maganda sa pagpapawakas. Al-Isrā’ 17:35 ⧉
Tafsīr:
Lumubos kayo sa pagtatakal kapag magtatakal kayo para sa iba sa inyo at huwag kayong lumugi sa kanya. Tumimbang kayo sa pamamagitan ng timbangang makatarungan, na hindi nagkukulang ng anuman at hindi bumabawas. Ang pagpapalubus-lubos na iyon para sa pagtatakal at pagtitimbang ay higit na mabuti para sa inyo sa Mundo at Kabilang-buhay at higit na maganda sa kahihinatnan kaysa sa pag-uumit sa pamamagitan ng pagkukulang sa mga takalan at mga timbangan.