Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Isrā’ — Talata 34 (Tagalog) — Bidyo

Al-Isrā’ • Talata 34 sa 111 • Tagalog


وَلَا تَقْرَبُوا مَالَ الْيَتِيمِ إِلَّا بِالَّتِي هِيَ أَحْسَنُ حَتَّىٰ يَبْلُغَ أَشُدَّهُ ۚ وَأَوْفُوا بِالْعَهْدِ ۖ إِنَّ الْعَهْدَ كَانَ مَسْئُولًا 34
Pagsasalin:
Huwag kayong lumapit sa yaman ng ulila kundi sa [paraang] pinakamaganda hanggang sa umabot siya sa katindihan niya. Magpatupad kayo sa kasunduan; tunay na ang kasunduan ay laging pinananagutan. Al-Isrā’ 17:34
Tafsīr:
Huwag kayong mangasiwa sa yaman ng sinumang namatayan ng ama kabilang sa mga bata malibang ayon sa pinakamaayos para sa kanya gaya ng pagpapalago rito at pangangalaga rito hanggang sa umabot siya sa kalubusan ng isip niya at katinuan niya. Magpatupad kayo sa isang kasunduan sa pagitan ninyo at ni Allāh at sa pagitan ninyo at ng mga lingkod Niya nang walang pagkalas o pagkukulang. Tunay na si Allāh ay magtatanong sa binigyan ng tipan sa Araw ng Pagbangon kung tumupad kaya iyon dito para gumantimpala Siya roon o kung hindi iyon tumupad dito para magparusa Siya roon.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Isrā’ • Talata 33 Susunod Al-Isrā’ • Talata 35