Huwag kang lumakad sa lupa sa kapalaluan; tunay na ikaw ay hindi tatagos sa lupa at hindi aabot sa mga bundok sa pagmamataas. Al-Isrā’ 17:37 ⧉
Tafsīr:
Huwag kang lumakad sa lupa sa pagpapakamalaki at sa pagmamayabang. Tunay na ikaw, kung lalakad ka rito habang nagmamataas, ay hindi makapuputol sa lupa dahil sa paglalakad mo at hindi makaaabot ang tindig mo sa naabot ng mga bundok sa kataasan at sa kaangatan, kaya sa ano ang pagpapakamalaki mo samakatuwid?