Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Gumawa sila sa mga pantas nila at mga monghe nila bilang mga panginoon bukod pa kay Allāh at pati na sa Kristo na anak ni Maria samantalang walang ipinag-utos sa kanila kundi sumamba sila sa nag-iisang Diyos – walang Diyos kundi Siya. Kaluwalhatian sa Kanya higit sa mga itinatambal nila! (31)
Tafsīr
Gumawa ang mga Hudyo sa mga maaalam nila at ang mga Kristiyano sa mga relihiyoso nila bilang mga panginoon bukod pa kay Allāh, na nagpapahintulot sa kanila ng ipinagbawal ni Allāh sa kanila at nagbabawal sa kanila ng ipinahintulot ni Allāh sa kanila. Gumawa ang mga Kristiyano kay Kristo Hesus na anak ni Maria bilang diyos kasama kay Allāh samantalang walang ipinag-utos si Allāh sa mga maaalam ng mga Hudyo at sa mga relihiyoso ng mga Kristiyano at wala Siyang ipinag-utos kay Ezra at kay Hesus na Anak ni Maria kundi na sumamba sila sa Kanya lamang at huwag silang magtambal sa Kanya ng anuman sapagkat Siya – kaluwalhatian sa Kanya – ay nag-iisang Diyos: walang sinasamba ayon sa karapatan na iba pa sa Kanya. Nagpawalang-kaugnayan Siya – kaluwalhatian sa Kanya – at pagkabanal-banal Siya na magkaroon Siya ng katambal gaya ng sinasabi ng mga tagapagtambal na ito at ng iba pa sa kanila!
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: