Landscape MP4 Vertical MP4

Surah At-Tawbah — Talata 31 (Tagalog) — Bidyo

At-Tawbah • Talata 31 sa 129 • Tagalog


اتَّخَذُوا أَحْبَارَهُمْ وَرُهْبَانَهُمْ أَرْبَابًا مِنْ دُونِ اللَّهِ وَالْمَسِيحَ ابْنَ مَرْيَمَ وَمَا أُمِرُوا إِلَّا لِيَعْبُدُوا إِلَٰهًا وَاحِدًا ۖ لَا إِلَٰهَ إِلَّا هُوَ ۚ سُبْحَانَهُ عَمَّا يُشْرِكُونَ 31
Pagsasalin:
Gumawa sila sa mga pantas nila at mga monghe nila bilang mga panginoon bukod pa kay Allāh at pati na sa Kristo na anak ni Maria samantalang walang ipinag-utos sa kanila kundi sumamba sila sa nag-iisang Diyos – walang Diyos kundi Siya. Kaluwalhatian sa Kanya higit sa mga itinatambal nila! At-Tawbah 9:31
Tafsīr:
Gumawa ang mga Hudyo sa mga maaalam nila at ang mga Kristiyano sa mga relihiyoso nila bilang mga panginoon bukod pa kay Allāh, na nagpapahintulot sa kanila ng ipinagbawal ni Allāh sa kanila at nagbabawal sa kanila ng ipinahintulot ni Allāh sa kanila. Gumawa ang mga Kristiyano kay Kristo Hesus na anak ni Maria bilang diyos kasama kay Allāh samantalang walang ipinag-utos si Allāh sa mga maaalam ng mga Hudyo at sa mga relihiyoso ng mga Kristiyano at wala Siyang ipinag-utos kay Ezra at kay Hesus na Anak ni Maria kundi na sumamba sila sa Kanya lamang at huwag silang magtambal sa Kanya ng anuman sapagkat Siya – kaluwalhatian sa Kanya – ay nag-iisang Diyos: walang sinasamba ayon sa karapatan na iba pa sa Kanya. Nagpawalang-kaugnayan Siya – kaluwalhatian sa Kanya – at pagkabanal-banal Siya na magkaroon Siya ng katambal gaya ng sinasabi ng mga tagapagtambal na ito at ng iba pa sa kanila!
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna At-Tawbah • Talata 30 Susunod At-Tawbah • Talata 32