Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Isrā’ — Talata 56 (Tagalog) — Bidyo

Al-Isrā’ • Talata 56 sa 111 • Tagalog


قُلِ ادْعُوا الَّذِينَ زَعَمْتُمْ مِنْ دُونِهِ فَلَا يَمْلِكُونَ كَشْفَ الضُّرِّ عَنْكُمْ وَلَا تَحْوِيلًا 56
Pagsasalin:
Sabihin mo: “Dumalangin kayo sa mga inaakala ninyo [na mga diyos] bukod pa sa Kanya, hindi sila nakapangyayari sa pagpawi ng pinsala palayo sa inyo ni sa isang paglilipat.” Al-Isrā’ 17:56
Tafsīr:
Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagtambal na ito: "Dumalangin kayo, O mga tagapagtambal, sa mga inaakala ninyo na sila ay mga diyos bukod pa kay Allāh kapag may bumaba sa inyo na isang pinsala sapagkat sila ay hindi nakapangyayari sa pagtulak ng pinsala palayo sa inyo at hindi nakapangyayari sa pagsalin nito sa iba pa sa inyo dahil sa kawalang-kakayahan nila. Ang sinumang walang-kakayahan ay hindi magiging isang diyos."
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Isrā’ • Talata 55 Susunod Al-Isrā’ • Talata 57