Ang Panginoon mo ay higit na maalam sa sinumang nasa mga langit at mga lupa. Talaga ngang nagtangi Kami sa iba sa mga propeta higit sa iba pa, at nagbigay Kami kay David ng Salmo. Al-Isrā’ 17:55 ⧉
Tafsīr:
Ang Panginoon mo, O Sugo, ay higit na maalam sa bawat sinumang nasa mga langit at mga lupa at higit na maalam sa mga kalagayan nila at anumang nagiging karapat-dapat sa kanila. Talaga ngang nagtangi Kami sa iba sa mga propeta higit sa iba pa sa dami ng mga tagasunod at sa pagpapababa ng mga kasulatan, at nagbigay Kami kay David ng isang kasulatan, ang Salmo.