Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Isrā’ — Talata 57 (Tagalog) — Bidyo

Al-Isrā’ • Talata 57 sa 111 • Tagalog


أُولَٰئِكَ الَّذِينَ يَدْعُونَ يَبْتَغُونَ إِلَىٰ رَبِّهِمُ الْوَسِيلَةَ أَيُّهُمْ أَقْرَبُ وَيَرْجُونَ رَحْمَتَهُ وَيَخَافُونَ عَذَابَهُ ۚ إِنَّ عَذَابَ رَبِّكَ كَانَ مَحْذُورًا 57
Pagsasalin:
Yaong mga dinadalanginan nila ay naghahangad tungo sa Panginoon nila ng pampalapit, [na nagtatagisan] kung alin sa kanila ang [magiging] pinakamalapit, nag-aasam ng awa Niya, at nangangamba sa pagdurusang dulot Niya. Tunay na ang pagdurusang dulot ng Panginoon mo ay laging pinangingilagan. Al-Isrā’ 17:57
Tafsīr:
Yaong mga dinadalanginan kabilang sa mga anghel at tulad ng mga ito, sila mismo ay naghahangad ng magpapalapit sa kanila tungo kay Allāh gaya ng mabuting gawa, nagtatagisan kung alin sa kanila ang [magiging] pinakamalapit sa Kanya sa pamamagitan ng pagtalima, nag-aasam na maaawa Siya sa kanila, at nangangamba na pagdurusahin Niya sila. Tunay na ang parusa ng Panginoon mo, O Sugo, ay kabilang sa nararapat na pangilagan.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Isrā’ • Talata 56 Susunod Al-Isrā’ • Talata 58