Walang anumang pamayanan malibang Kami ay magpapahamak doon [dahil sa kawalang-pananampalataya] bago ng Araw ng Pagbangon o magpaparusa roon ng isang pagdurusang matindi. Laging iyon sa Talaan ay nakatitik. Al-Isrā’ 17:58 ⧉
Tafsīr:
Walang anumang pamayanan o lungsod mula sa mga pamayanang tagatangging sumampalataya ang mga naninirahan malibang Kami ay magpapababa rito ng pagdurusa at kapahamakan sa buhay na pangmundo dahilan sa kawalang-pananampalataya nito o susubok dito sa pamamagitan ng isang parusang malakas sa pamamagitan ng pagkapatay o iba pa rito dahilan sa kawalang-pananampalataya nito. Ang pagpapahamak at ang pagdurusang iyon ay isang pagtatadhana rito na nakatala sa Tablerong Pinag-iingatan.