Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Baqarah — Talata 149 (Tagalog) — Bidyo

Al-Baqarah • Talata 149 sa 286 • Tagalog


وَمِنْ حَيْثُ خَرَجْتَ فَوَلِّ وَجْهَكَ شَطْرَ الْمَسْجِدِ الْحَرَامِ ۖ وَإِنَّهُ لَلْحَقُّ مِنْ رَبِّكَ ۗ وَمَا اللَّهُ بِغَافِلٍ عَمَّا تَعْمَلُونَ 149
Pagsasalin:
Mula saan ka man lumabas [para magdasal, O Propeta Muḥammad,] ay magbaling ka ng mukha mo sa dako ng Masjid na Pinakababanal [sa Makkah]. Tunay na ito ay talagang ang katotohanan mula sa Panginoon mo. Si Allāh ay hindi nalilingat sa anumang ginagawa ninyo. Al-Baqarah 2:149
Tafsīr:
Mula sa aling pook ka lumabas at saan ka man naroon, O Propeta, ikaw at ang mga tagasunod mo, at nagnais kang magdasal, humarap ka sa dako ng Masjid na Pinakababanal sapagkat tunay na ito ay ang katotohanang ikinasi sa iyo mula sa Panginoon mo. Si Allāh ay hindi nalilingat sa anumang ginagawa ninyo, bagkus Siya ay nakababatid doon at gaganti sa inyo roon.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Baqarah • Talata 148 Susunod Al-Baqarah • Talata 150