Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Baqarah — Talata 150 (Tagalog) — Bidyo

Al-Baqarah • Talata 150 sa 286 • Tagalog


وَمِنْ حَيْثُ خَرَجْتَ فَوَلِّ وَجْهَكَ شَطْرَ الْمَسْجِدِ الْحَرَامِ ۚ وَحَيْثُ مَا كُنْتُمْ فَوَلُّوا وُجُوهَكُمْ شَطْرَهُ لِئَلَّا يَكُونَ لِلنَّاسِ عَلَيْكُمْ حُجَّةٌ إِلَّا الَّذِينَ ظَلَمُوا مِنْهُمْ فَلَا تَخْشَوْهُمْ وَاخْشَوْنِي وَلِأُتِمَّ نِعْمَتِي عَلَيْكُمْ وَلَعَلَّكُمْ تَهْتَدُونَ 150
Pagsasalin:
Mula saan ka man lumabas [para magdasal] ay magbaling ka ng mukha mo sa dako ng Masjid na Pinakababanal [sa Makkah]. Saanman kayo naroon ay magbaling kayo ng mga mukha ninyo sa dako niyon upang hindi magkaroon para mga tao laban sa inyo ng isang katwiran maliban sa mga lumabag sa katarungan kabilang sa kanila, kaya huwag kayong matakot sa kanila at matakot kayo sa Akin, at upang lumubos Ako ng biyaya Ko sa inyo at nang sa gayon kayo ay mapapatnubayan. Al-Baqarah 2:150
Tafsīr:
Mula sa alinmang pook lumabas ka, O Propeta, at nagnais kang magdasal, humarap ka sa dako ng Masjid na Pinakababanal; at sa alinmang pook naroon kayo, O mga mananampalataya, magharap kayo ng mga mukha ninyo sa dako niyon kapag nagnais kayong magdasal upang hindi magkaroon para sa mga tao ng isang katwirang ipangangatwiran nila laban sa inyo maliban sa mga lumabag sa katarungan kabilang sa kanila sapagkat tunay na sila ay mananatili sa pagmamatigas nila at mangangatwiran sa inyo sa pamamagitan ng pinakamahina sa mga katwiran. Kaya huwag kayong matakot sa kanila at matakot kayo sa Panginoon ninyo lamang sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya. Tunay na si Allāh ay nagsabatas nga ng pagharap sa Ka`bah alang-alang sa paglubos Niya ng biyaya Niya sa inyo sa pamamagitan ng pagbubukod sa inyo sa lahat ng mga kalipunan at alang-alang sa kapatnubayan ninyo tungo sa pinakamarangal na qiblah para sa mga tao.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Baqarah • Talata 149 Susunod Al-Baqarah • Talata 151