Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Baqarah — Talata 151 (Tagalog) — Bidyo

Al-Baqarah • Talata 151 sa 286 • Tagalog


كَمَا أَرْسَلْنَا فِيكُمْ رَسُولًا مِنْكُمْ يَتْلُو عَلَيْكُمْ آيَاتِنَا وَيُزَكِّيكُمْ وَيُعَلِّمُكُمُ الْكِتَابَ وَالْحِكْمَةَ وَيُعَلِّمُكُمْ مَا لَمْ تَكُونُوا تَعْلَمُونَ 151
Pagsasalin:
Kung paanong nagsugo Kami sa inyo ng isang Sugo kabilang sa inyo, na bumigkas sa inyo ng mga tanda Namin, nagbubusilak sa inyo, nagtuturo sa inyo ng Aklat at Karunungan, at nagtuturo sa inyo ng hindi ninyo dati nalalaman. Al-Baqarah 2:151
Tafsīr:
Gaya ng pagbiyaya Namin sa inyo ng iba pang biyaya yayamang nagsugo Kami sa inyo ng isang Sugong kabilang sa mga sarili ninyo, na bumibigkas sa inyo ng mga tanda Namin, nagdadalisay sa inyo sa pamamagitan ng ipinag-uutos niya sa inyo na mga kabutihan at nakabubuti at ng sinasaway niya sa inyo na mga kasamaan at nakasasama, nagtuturo sa inyo ng Qur'ān at Sunnah, at nagtuturo sa inyo ng hindi ninyo dati nalalaman na mga pumapatungkol sa relihiyon ninyo at Mundo ninyo.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Baqarah • Talata 150 Susunod Al-Baqarah • Talata 152