Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Baqarah — Talata 148 (Tagalog) — Bidyo

Al-Baqarah • Talata 148 sa 286 • Tagalog


وَلِكُلٍّ وِجْهَةٌ هُوَ مُوَلِّيهَا ۖ فَاسْتَبِقُوا الْخَيْرَاتِ ۚ أَيْنَ مَا تَكُونُوا يَأْتِ بِكُمُ اللَّهُ جَمِيعًا ۚ إِنَّ اللَّهَ عَلَىٰ كُلِّ شَيْءٍ قَدِيرٌ 148
Pagsasalin:
Bawat [kalipunan] ay may dakong ito ay humaharap doon. Kaya mag-unahan kayo sa mga kabutihan. Saan man kayo naroon ay maghahatid sa inyo si Allāh nang lahatan [para tuusin]. Tunay na si Allāh sa bawat bagay ay May-kakayahan. Al-Baqarah 2:148
Tafsīr:
Bawat kalipunan kabilang sa mga kalipunan ay may dakong hinaharapan ng mga ito pisikal man o espirituwal. Bahagi niyon ang pagkakaiba-iba ng mga kalipunan sa qiblah ng mga ito at sa isinabatas ni Allāh para sa mga ito kaya hindi nakapipinsala ang pagkasarisari ng mga dako nila kung ayon sa utos ni Allāh at batas Niya. Kaya mag-unahan kayo, O mga mananampalataya, sa paggawa ng mga kabutihan na ipinag-utos sa inyong gawin ninyo. Magtitipon sa inyo si Allāh mula sa alinmang pook kayo naroon sa Araw ng Pagbangon upang gumanti Siya sa inyo sa gawa ninyo. Tunay na si Allāh sa bawat bagay ay May-kakayahan kaya hindi Siya nawawalang-kakayahan sa pagtipon sa inyo at pagganti sa inyo.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Baqarah • Talata 147 Susunod Al-Baqarah • Talata 149