Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Ḥajj — Talata 36 (Tagalog) — Bidyo

Al-Ḥajj • Talata 36 sa 78 • Tagalog


وَالْبُدْنَ جَعَلْنَاهَا لَكُمْ مِنْ شَعَائِرِ اللَّهِ لَكُمْ فِيهَا خَيْرٌ ۖ فَاذْكُرُوا اسْمَ اللَّهِ عَلَيْهَا صَوَافَّ ۖ فَإِذَا وَجَبَتْ جُنُوبُهَا فَكُلُوا مِنْهَا وَأَطْعِمُوا الْقَانِعَ وَالْمُعْتَرَّ ۚ كَذَٰلِكَ سَخَّرْنَاهَا لَكُمْ لَعَلَّكُمْ تَشْكُرُونَ 36
Pagsasalin:
Ang mga kamelyo at mga baka ay ginawa para sa inyo bilang kabilang sa mga sagisag ni Allāh; ukol sa inyo sa mga ito ay mabuti. Kaya bumanggit kayo sa pangalan ni Allāh sa mga ito habang mga nakahanay. Kaya kapag bumagsak ang mga tagiliran ng mga ito [matapos katayin] ay kumain kayo mula sa mga ito at magpakain kayo ng nagkakasya at nagpapalimos. Gayon Kami nagpasilbi ng mga ito para sa inyo nang sa gayon kayo magpapasalamat. Al-Ḥajj 22:36
Tafsīr:
Ang mga kamelyo at ang mga baka na inaalay doon sa Bahay [ni Allāh] ay ginawa para sa inyo bilang kabilang sa mga sagisag ng Relihiyon at mga tanda nito. Ukol sa inyo sa mga ito ay mga pakinabang na pangrelihiyon at pangmundo. Kaya magsabi kayo ng Bismi -llāh (Sa ngalan ni Allāh) sa sandali ng pagkakatay sa mga ito matapos na humanay ang mga pata ng mga ito. Ito ay pata na iginapos nga ang isa sa mga kamay ng hayop upang hindi gumala-gala ito. Kaya kapag bumagsak ito sa tagiliran nito matapos ng pagkatay ay kumain kayo, O mga tagapag-alay, mula rito at magbigay kayo mula rito sa maralitang nangingimi sa panghihingi at maralitang humaharang upang bigyan mula rito. Kung paanong pinaamo ang mga ito para sa inyo upang magpapasan kayo sa mga ito at sumakay kayo sa mga ito, pinaamo rin ang mga ito para sa inyo para magpaakay tungo sa kung saan kakatay kayo ng mga ito bilang pagpapakalapit kay Allāh, nang sa gayon kayo ay magpapasalamat kay Allāh sa biyaya ng pagpapaamo sa mga ito para sa inyo.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Ḥajj • Talata 35 Susunod Al-Ḥajj • Talata 37