na kapag binanggit si Allāh ay nasisindak ang mga puso nila, na mga tagapagtiis sa anumang tumama sa kanila, na mga tagapanatili ng dasal, at mula sa itinustos Namin sa kanila ay gumugugol sila. Al-Ḥajj 22:35 ⧉
Tafsīr:
na kapag binaggit si Allāh ay nangangamba sila sa parusa Niya kaya lumalayo sila sa pagsalungat sa utos Niya, nagtitiis sila kung may tumama sa kanila na isang pagsubok, nagsasagawa sila ng pagdarasal nang lubusan, at gumugugol sila sa mga uri ng pagpapakabuti mula sa itinustos sa kanila ni Allāh.