Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Ḥajj — Talata 37 (Tagalog) — Bidyo

Al-Ḥajj • Talata 37 sa 78 • Tagalog


لَنْ يَنَالَ اللَّهَ لُحُومُهَا وَلَا دِمَاؤُهَا وَلَٰكِنْ يَنَالُهُ التَّقْوَىٰ مِنْكُمْ ۚ كَذَٰلِكَ سَخَّرَهَا لَكُمْ لِتُكَبِّرُوا اللَّهَ عَلَىٰ مَا هَدَاكُمْ ۗ وَبَشِّرِ الْمُحْسِنِينَ 37
Pagsasalin:
Hindi makararating kay Allāh ang mga laman ng mga ito ni ang mga dugo ng mga ito, subalit nakararating sa Kanya ang pangingilag magkasala mula sa inyo. Gayon nagpasilbi ng mga ito para sa inyo upang dumakila kayo kay Allāh dahil nagpatnubay Siya sa inyo. Magbalita ka ng nakagagalak sa mga tagagawa ng maganda. Al-Ḥajj 22:37
Tafsīr:
Hindi aabot kay Allāh ang mga laman ng inihahain ninyo na mga alay ni ang mga dugo ng mga ito at hindi maiaangat tungo sa Kanya. Subalit naiaangat tungo kay Allāh ang pangingilag ninyo na magkasala sa Kanya sa mga ito sa pamamagitan ng pagpapakawagas ninyo sa Kanya sa pagsunod ninyo sa pagpapakalapit sa Kanya sa pamamagitan ng mga alay. Gayon nagpaamo sa mga ito si Allāh para sa inyo upang dumakila kayo kay Allāh habang mga nagpapasalamat sa Kanya sa pagtuon Niya sa inyo sa katotohanan. Magpabatid ka, O Sugo, sa mga tagagawa ng maganda sa pagsamba nila sa Panginoon nila at sa pakikitungo nila sa nilikha Niya, ng magpapatuwa sa kanila.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Ḥajj • Talata 36 Susunod Al-Ḥajj • Talata 38