Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Qaṣaṣ — Talata 38 (Tagalog) — Bidyo

Al-Qaṣaṣ • Talata 38 sa 88 • Tagalog


وَقَالَ فِرْعَوْنُ يَا أَيُّهَا الْمَلَأُ مَا عَلِمْتُ لَكُمْ مِنْ إِلَٰهٍ غَيْرِي فَأَوْقِدْ لِي يَا هَامَانُ عَلَى الطِّينِ فَاجْعَلْ لِي صَرْحًا لَعَلِّي أَطَّلِعُ إِلَىٰ إِلَٰهِ مُوسَىٰ وَإِنِّي لَأَظُنُّهُ مِنَ الْكَاذِبِينَ 38
Pagsasalin:
Nagsabi si Paraon: “O konseho, hindi ko nalamang mayroon kayong isang diyos na iba pa sa Akin. Kaya magpaningas ka para sa akin, O Hāmān, sa luwad, at gumawa ka para sa akin ng isang tore nang sa gayon ako ay makapagmasid sa Diyos ni Moises. Tunay na ako ay talagang nagpapalagay na siya ay kabilang sa mga sinungaling.” Al-Qaṣaṣ 28:38
Tafsīr:
Nagsabi si Paraon habang kumakausap sa mga maharlika kabilang sa mga tao niya: "O konseho, hindi ko nalamang mayroon kayong isang sinasamba na iba pa sa Akin. Kaya magpaliyab ka para sa akin, O Hāmān, sa luwad upang tumindi, saka magpatayo ka para sa akin sa papamagitan nito ng isang gusaling mataas sa pag-asang ako ay makatingin sa sinasamba ni Moises at makabatid niyon. Tunay na ako ay talagang nagpapalagay na si Moises ay sinungaling sa pinagsasabi niya na siya ay isinugo mula kay Allāh sa akin at sa mga tao ko."
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Qaṣaṣ • Talata 37 Susunod Al-Qaṣaṣ • Talata 39