Nagsabi si Moises: “Ang Panginoon ko ay higit na maalam sa sinumang naghatid ng patnubay mula sa ganang Kanya at sa sinumang magkakaroon ng [mabuting] kahihinatnan sa Tahanan [ng Kaginhawahan]. Tunay na hindi magtatagumpay ang mga tagalabag sa katarungan. Al-Qaṣaṣ 28:37 ⧉
Tafsīr:
Nagsabi si Moises habang kumakausap kay Paraon: "Ang Panginoon ko ay nakaaalam sa nagsatotoo na nagdala ng kagabayan mula sa ganang Kanya – kaluwalhatian sa Kanya – at nakaaalam sa sinumang magkakaroon ng kahihinatnang napupurihan sa Kabilang-buhay. Tunay na hindi magtatamo ang mga tagalabag sa katarungan ng hinihiling nila at hindi sila maliligtas sa pinangingilabutan nila.