Nagmalaki siya at ang mga kawal niya sa lupain nang walang karapatan at nagpalagay sila na sila tungo sa Amin ay hindi pababalikin. Al-Qaṣaṣ 28:39 ⧉
Tafsīr:
Tumindi ang pagpapakamalaki ni Paraon mismo at ng mga kawal niya at nagmataas sila sa lupain ng Ehipto nang walang nag-oobligang karapatan. Nagkaila sila sa pagkabuhay. Nag-akala sila na sila sa Amin ay hindi pababalikin sa Araw ng Pagbangon para sa pagtutuos at parusa.