Kaya dumaklot Kami sa kanya at sa mga kawal niya saka itinapon Namin sila sa dagat. Kaya tumingin ka kung papaano naging ang kinahinatnan ng mga tagalabag sa katarungan. Al-Qaṣaṣ 28:40 ⧉
Tafsīr:
Kaya dumaklot Kami sa kanya at dumaklot Kami sa mga kawal niya saka inihagis Namin sila sa dagat para malunod hanggang sa napahamak sila sa kalahatan. Kaya magnilay-nilay ka, O Sugo, kung papaano naging ang kinauwian ng mga tagalabag sa katarungan at wakas nila sapagkat ang kinauwian nila at ang wakas nila ay ang kapahamakan.