Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Āl ‘Imrān — Talata 151 (Tagalog) — Bidyo

Āl ‘Imrān • Talata 151 sa 200 • Tagalog


سَنُلْقِي فِي قُلُوبِ الَّذِينَ كَفَرُوا الرُّعْبَ بِمَا أَشْرَكُوا بِاللَّهِ مَا لَمْ يُنَزِّلْ بِهِ سُلْطَانًا ۖ وَمَأْوَاهُمُ النَّارُ ۚ وَبِئْسَ مَثْوَى الظَّالِمِينَ 151
Pagsasalin:
Pupukol sa mga puso ng mga tumangging sumampalataya ng hilakbot dahil nagtambal sila kay Allāh ng anumang hindi Siya nagbaba para rito ng isang katunayan. Ang kanlungan nila ay ang Apoy. Kay saklap ang tuluyan ng mga tagalabag sa katarungan! Āl ‘Imrān 3:151
Tafsīr:
Pupukol sa mga puso ng mga tumangging sumampalataya kay Allāh ng matinding pangamba hanggang sa hindi sila makakaya sa pagpapakatatag sa pakikipaglaban sa inyo dahilan sa pagtatambal nila kay Allāh ng mga diyos na sinamba nila dahil sa mga pithaya nila, na hindi Siya nagpababa sa kanila para sa mga ito ng isang katwiran. Ang titigilan nilang uuwian nila sa Kabilang-buhay ay ang Apoy. Kay saklap bilang titigilan ng mga tagalabag sa katarungan ang Apoy!
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Āl ‘Imrān • Talata 150 Susunod Āl ‘Imrān • Talata 152