Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Āl ‘Imrān — Talata 152 (Tagalog) — Bidyo

Āl ‘Imrān • Talata 152 sa 200 • Tagalog


وَلَقَدْ صَدَقَكُمُ اللَّهُ وَعْدَهُ إِذْ تَحُسُّونَهُمْ بِإِذْنِهِ ۖ حَتَّىٰ إِذَا فَشِلْتُمْ وَتَنَازَعْتُمْ فِي الْأَمْرِ وَعَصَيْتُمْ مِنْ بَعْدِ مَا أَرَاكُمْ مَا تُحِبُّونَ ۚ مِنْكُمْ مَنْ يُرِيدُ الدُّنْيَا وَمِنْكُمْ مَنْ يُرِيدُ الْآخِرَةَ ۚ ثُمَّ صَرَفَكُمْ عَنْهُمْ لِيَبْتَلِيَكُمْ ۖ وَلَقَدْ عَفَا عَنْكُمْ ۗ وَاللَّهُ ذُو فَضْلٍ عَلَى الْمُؤْمِنِينَ 152
Pagsasalin:
Talaga ngang nagtotoo sa inyo si Allāh ng pangako Niya noong kumikitil kayo sa kanila ayon sa pahintulot Niya, hanggang sa nang pinanghinaan kayo ng loob, naghidwaan kayo hinggil sa utos [ng Sugo], at sumuway kayo matapos na nagpakita Siya sa inyo ng iniibig ninyo [na pagwawagi]. Mayroon sa inyo na nagnanais ng Mundo at mayroon sa inyo na nagnanais ng Kabilang-buhay. Pagkatapos nagpalihis Siya sa inyo palayo sa kanila upang sumubok Siya sa inyo. Talaga ngang nagpaumanhin Siya sa inyo. Si Allāh ay may kabutihang-loob sa mga mananampalataya. Āl ‘Imrān 3:152
Tafsīr:
Talaga ngang tumupad sa inyo si Allāh ng ipinangako Niya sa inyo na pag-aadya laban sa mga kaaway ninyo sa Araw ng Uḥud nang kayo noon ay pumapatay sa kanila nang isang matinding pagpatay ayon sa pahintulot Niya – pagkataas-taas Siya – hanggang sa nang naduwag kayo, nanghina kayo sa katatagan sa ipinag-utos sa inyo ng Sugo, nagkaiba-iba kayo sa pagitan ng pananatili sa mga kinaroroonan ninyo o pag-iwan sa mga ito at ng pangangalap ng mga samsam sa digmaan. Sumuway kayo sa Sugo sa utos niya sa inyo na manatili sa mga puwesto ninyo sa bawat kalagayan. Naganap iyon sa inyo nang matapos na ipinakita ni Allāh sa inyo ang iniibig ninyo na pagwawagi sa mga kaaway ninyo. Mayroon sa inyo na nagnanais ng mga samsam sa Mundo. Sila ay ang mga nag-iwan ng mga puwesto nila. Mayroon sa inyo na nagnanais ng gantimpala ng Kabilang-buhay. Sila ay ang mga nanatili sa mga kinaroroonan nila habang mga tumatalima sa utos ng Sugo. Pagkatapos nagpalipat sa inyo si Allāh palayo sa kanila at nagpangibabaw Siya sa kanila laban sa inyo upang sumubok sa inyo para manaig ang mananampalatayang nagtitiis sa pagsubok laban sa sinumang natisod ang paa at nanghina ang sarili. Talaga ngang nagpaumanhin si Allāh sa inyo sa nagawa ninyo na pagsalungat sa utos ng Sugo Niya – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan. Si Allāh ay may-ari ng sukdulang kabutihang-loob sa mga mananampalataya yayamang nagpatnubay Siya sa kanila sa pananampalataya, nagpaumanhin Siya sa kanila sa mga masagwang gawa nila, at naggantimpala Siya sa kanila dahil sa mga kasawian nila.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Āl ‘Imrān • Talata 151 Susunod Āl ‘Imrān • Talata 153