Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Āl ‘Imrān — Talata 153 (Tagalog) — Bidyo

Āl ‘Imrān • Talata 153 sa 200 • Tagalog


إِذْ تُصْعِدُونَ وَلَا تَلْوُونَ عَلَىٰ أَحَدٍ وَالرَّسُولُ يَدْعُوكُمْ فِي أُخْرَاكُمْ فَأَثَابَكُمْ غَمًّا بِغَمٍّ لِكَيْلَا تَحْزَنُوا عَلَىٰ مَا فَاتَكُمْ وَلَا مَا أَصَابَكُمْ ۗ وَاللَّهُ خَبِيرٌ بِمَا تَعْمَلُونَ 153
Pagsasalin:
[Banggitin] noong umakyat kayo habang hindi kayo lumilingon sa isa samantalang ang Sugo ay nananawagan sa likuran ninyo. Kaya gumantimpala sa inyo si Allāh ng hapis sa hapis upang hindi kayo malungkot sa anumang nakaalpas sa inyo ni sa anumang tumama sa inyo. Si Allāh ay Mapagbatid sa anumang ginagawa ninyo. Āl ‘Imrān 3:153
Tafsīr:
Banggitin ninyo, O mga mananampalataya, nang kayo noon ay lumalayo sa kapatagan habang mga tumatakas noong Araw ng Uḥud dahil sa dumapo sa inyo na kabiguan dahil sa pagsuway sa utos ng Sugo. Hindi tumitingin ang isa sa inyo sa isa pa samantalang ang Sugo ay nananawagan sa hulihan ninyo sa pagitan ninyo at ng mga tagapagtambal, habang nagsasabi: "Sa akin, mga lingkod ni Allāh, sa akin mga lingkod ni Allāh." Kaya gumanti sa inyo si Allāh dahil dito ng sakit at kagipitan dahil sa nakaalpas sa inyo na pagwawagi at samsam sa digmaan, na susundan pa ito ng sakit at kagipitan, at dahil sa kumalat sa gitna ninyo na pagkapatay raw sa Propeta. Nagpababa nga Siya sa inyo nito upang hindi kayo malungkot sa nakaalpas sa inyo na pagwawagi at samsam sa digmaan ni sa dumapo sa inyo na pagpatay at sugat, matapos na nakaalam kayo na ang Propeta ay hindi napatay kaya naman gumaan sa inyo ang bawat kasawian at sakit. Si Allāh ay Mapagbatid sa anumang ginagawa ninyo: walang nakakukubli sa Kanya na anuman mula sa mga kalagayan ng mga puso ninyo ni sa mga gawain ng mga bahagi ng mga katawan ninyo.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Āl ‘Imrān • Talata 152 Susunod Āl ‘Imrān • Talata 154