Bagkus si Allāh ay ang Pinagpapatangkilikan ninyo at Siya ay ang pinakamabuti sa mga tagapag-adya. Āl ‘Imrān 3:150 ⧉
Tafsīr:
Ang mga tagatangging sumampalatayang ito ay hindi mag-aadya sa inyo kapag tumalima kayo sa kanila, bagkus si Allāh ay ang Tagaadya ninyo laban sa mga kaaway ninyo kaya tumalima kayo sa Kanya. Siya – kaluwalhatian sa Kanya – ay ang pinakamabuti sa mga tagapag-adya kaya hindi kayo nangangailangan ng isa pa matapos Niya.