Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Ar-Rūm — Talata 36 (Tagalog) — Bidyo

Ar-Rūm • Talata 36 sa 60 • Tagalog


وَإِذَا أَذَقْنَا النَّاسَ رَحْمَةً فَرِحُوا بِهَا ۖ وَإِنْ تُصِبْهُمْ سَيِّئَةٌ بِمَا قَدَّمَتْ أَيْدِيهِمْ إِذَا هُمْ يَقْنَطُونَ 36
Pagsasalin:
Kapag nagpalasap Kami sa mga tao ng isang awa ay nagagalak sila rito. Kapag may tumama sa kanila na isang masagwa dahil sa ipinauna ng mga kamay nila [na mga kasalanan], biglang sila ay nasisiraan ng loob. Ar-Rūm 30:36
Tafsīr:
Kapag nagpalasap Kami sa mga tao ng isang biyaya mula sa mga biyaya Namin gaya ng kalusugan at pagyaman ay nagagalak sila rito ayon sa pagkagalak ng kawalang-pakundangan at nagpapakamalaki sila. Kapag ipinatamo sa kanila ang ikinasasama ng loob nila gaya ng karamdaman at karukhaan dahil sa nakamit ng mga kamay nila na mga pagsuway, biglang sila ay nalalagutan ng pag-asa mula sa awa ni Allāh at nalalagutan ng pag-asa sa paglaho ng ikinasasama ng loob nila.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Ar-Rūm • Talata 35 Susunod Ar-Rūm • Talata 37