Hindi ba sila nakakita na si Allāh ay nagpapaluwag ng panustos para sa sinumang niloloob Niya at naghihigpit [para sa sinumang niloob Niya]? Tunay na sa gayon ay talagang may mga tanda para sa mga taong sumasampalataya. Ar-Rūm 30:37 ⧉
Tafsīr:
Hindi ba sila nakakita na si Allāh ay nagpapaluwang sa panustos para sa sinumang niloloob Niya kabilang sa mga lingkod Niya bilang pagsusulit para rito kung magpapasalamat ito o tatangging magpasalamat? Nagpapasikip Siya nito sa sinumang niloloob Niya kabilang sa kanila bilang pagsubok para rito kung magtitiis ito o maiinis ito? Tunay na sa pagpapaluwang sa panustos para sa iba at pagpapasikip nito para sa iba ay talagang may mga katunayan para sa mga mananampalataya sa kabaitan ni Allāh at awa Niya.