Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Ar-Rūm — Talata 38 (Tagalog) — Bidyo

Ar-Rūm • Talata 38 sa 60 • Tagalog


فَآتِ ذَا الْقُرْبَىٰ حَقَّهُ وَالْمِسْكِينَ وَابْنَ السَّبِيلِ ۚ ذَٰلِكَ خَيْرٌ لِلَّذِينَ يُرِيدُونَ وَجْهَ اللَّهِ ۖ وَأُولَٰئِكَ هُمُ الْمُفْلِحُونَ 38
Pagsasalin:
Kaya magbigay ka sa may pagkakamag-anak ng karapatan nito, sa dukha, at sa kinapos sa landas. Iyon ay higit na mabuti para sa mga nagnanais [ng kaluguran] ng mukha ni Allāh. Ang mga iyon ay ang mga magtatagumpay. Ar-Rūm 30:38
Tafsīr:
Kaya magbigay ka, O Muslim, sa may kaugnayang pangkaanak ng nagiging karapat-dapat sa kanya na pagpapakabuti at ugnayang pangkaanak. Magbigay ka sa nangangailangan ng tutugon sa pangangailangan niya. Magbigay ka sa estranghero na kinapos sa landas malayo sa bayan niya. Ang pagbibigay na iyon ayon sa mga uring iyon ay higit na mabuti para sa mga nagnanais sa pamamagitan nito [ng kaluguran] ng mukha ni Allāh. Ang mga nagkakaloob ng tulong at mga karapatang ito ay ang mga magwawagi dahil sa pagpapatamo sa kanila ng hinihiling nila mula sa paraiso at dahil sa pagkaligtas nila laban sa anumang pinangingilabutan nila na pagdurusa.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Ar-Rūm • Talata 37 Susunod Ar-Rūm • Talata 39