Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Ar-Rūm — Talata 39 (Tagalog) — Bidyo

Ar-Rūm • Talata 39 sa 60 • Tagalog


وَمَا آتَيْتُمْ مِنْ رِبًا لِيَرْبُوَ فِي أَمْوَالِ النَّاسِ فَلَا يَرْبُو عِنْدَ اللَّهِ ۖ وَمَا آتَيْتُمْ مِنْ زَكَاةٍ تُرِيدُونَ وَجْهَ اللَّهِ فَأُولَٰئِكَ هُمُ الْمُضْعِفُونَ 39
Pagsasalin:
Ang anumang ibinigay ninyo bilang patubuan upang lumago sa mga ari-arian ng mga tao, hindi ito lalago sa ganang kay Allāh. Ang anumang ibinigay ninyo na zakāh habang nagnanais kayo [ng kaluguran] ng Mukha ni Allāh, ang mga iyon ay ang mga pag-iibayuhin. Ar-Rūm 30:39
Tafsīr:
Ang anumang iniabot ninyo na mga salapi sa isa sa mga tao sa paghahangad na magsauli siya nito sa inyo nang may karagdagan ay hindi lalago ang pabuya nito sa ganang kay Allāh. Ang anumang ibinigay ninyo mula sa mga salapi ninyo sa sinumang matutugunan sa pamamagitan nito ang isang pangangailangan habang nagnanais naman kayo dahil doon [ng kaluguran] ng Mukha ni Allāh, samantalang hindi kayo nagnanais ng [magandang] kalagayan ni gantimpala mula sa mga tao, ang mga iyon ay mag-iibayo para sa kanila ang pabuya sa ganang kay Allāh.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Ar-Rūm • Talata 38 Susunod Ar-Rūm • Talata 40