O nagpababa ba Kami sa kanila ng isang katunayan kaya ito ay nagsasalita hinggil sa dati nilang itinatambal sa Kanya? Ar-Rūm 30:35 ⧉
Tafsīr:
Ano ang nag-anyaya sa kanila sa pagtatambal kay Allāh samantalang walang katwiran para sa kanila? Hindi nagpababa sa kanila ng isang katwiran mula sa isang kasulatang maipangangatwiran nila sa pagtatambal nila kay Allāh at wala silang isang kasulatang nagsasalita hinggil sa pagtatambal nila at nagpapatibay para sa kanila ng katumpakan ng taglay nila na kawalang-pananampalataya.