Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Yā Sīn — Talata 38 (Tagalog) — Bidyo

Yā Sīn • Talata 38 sa 83 • Tagalog


وَالشَّمْسُ تَجْرِي لِمُسْتَقَرٍّ لَهَا ۚ ذَٰلِكَ تَقْدِيرُ الْعَزِيزِ الْعَلِيمِ 38
Pagsasalin:
Ang araw ay umiinog para sa isang pagtitigilan para rito. Iyon ay ang pagtatakda ng Makapangyarihan, Maalam. Yā Sīn 36:38
Tafsīr:
Isang palatandaan para sa kanila sa kaisahan ni Allāh itong araw na umiinog para sa isang pagtitigilang nalalaman ni Allāh ang sukat niyon, na hindi lalampas ito roon. Ang pagtatakdang iyon ay ang pagtatakda ng Makapangyarihan na walang nakikipanaig sa Kanya na isa man, Maalam na walang nakakukubli sa Kanya na anuman mula sa nauukol sa mga nilikha Niya.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Yā Sīn • Talata 37 Susunod Yā Sīn • Talata 39