Isang tanda para sa kanila ang gabi, habang nag-aalis Kami mula rito ng maghapon, kaya biglang sila ay mga napagdidiliman. Yā Sīn 36:37 ⧉
Tafsīr:
Isang pahiwatig para sa mga tao sa paniniwala sa kaisahan ni Allāh ay na Siya ay nag-aalis ng tanglaw sa pag-alis ng maghapon at pagdating ng gabi kapag nagtatanggal Siya ng maghapon mula roon at nagdadala Siya ng dilim matapos ng pag-alis ng maghapon, kaya naman biglang ang mga tao ay mga pumapasok sa isang dilim.