Kaluwalhatian sa lumikha ng mga pares sa kabuuan ng mga ito mula sa mga pinatutubo ng lupa, mula sa mga sarili nila, at mula sa hindi nila nalalaman. Yā Sīn 36:36 ⧉
Tafsīr:
Kabanal-banalan si Allāh at pagkataas-taas Siya na nagpaluwal ng mga uri mula sa mga halaman at mga punong-kahoy, at mula sa mga sarili ng mga tao yayamang nagpaluwal Siya ng mga lalaki at mga babae, at ng hindi nalalaman ng mga tao na mga ibang nilikha ni Allāh sa katihan, karagatan, at sa iba pa sa dalawang ito.