Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Yā Sīn — Talata 39 (Tagalog) — Bidyo

Yā Sīn • Talata 39 sa 83 • Tagalog


وَالْقَمَرَ قَدَّرْنَاهُ مَنَازِلَ حَتَّىٰ عَادَ كَالْعُرْجُونِ الْقَدِيمِ 39
Pagsasalin:
Ang buwan ay nagtakda Kami rito ng mga yugto hanggang sa nanumbalik ito gaya ng buwig na magulang. Yā Sīn 36:39
Tafsīr:
Isang tanda para sa kanila na nagpapatunay sa paniniwala sa kaisahan Niya – kaluwalhatian sa Kanya – itong buwan na nagtakda Siya rito ng mga yugto bawat gabi. Nagsisimula ito na maliit, pagkatapos lumalaki ito. Pagkatapos lumiliit ito hanggang sa maging tulad ng pilipit na palagas na buwig ng datiles sa panahon nito, pagkabaluktot nito, paninilaw nito, at kagulangan nito.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Yā Sīn • Talata 38 Susunod Yā Sīn • Talata 40