Surah Al-Fātiḥah (Ang Pagbubukas) — سُورَةُ الفاتحة
21 iba pang pangalan ⧉
بِسْمِ اللَّهِ الرَّحْمَٰنِ الرَّحِيمِ i
Sa ngalan ni Allāh, ang Napakamaawain, ang Maawain. (1)
الْحَمْدُ لِلَّهِ رَبِّ الْعَالَمِينَ i
Ang papuri ay ukol kay Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang, (2)
الرَّحْمَٰنِ الرَّحِيمِ i
ang Napakamaawain, ang Maawain, (3)
مَالِكِ يَوْمِ الدِّينِ i
ang Tagapagmay-ari ng Araw ng Pagtutumbas. (4)
إِيَّاكَ نَعْبُدُ وَإِيَّاكَ نَسْتَعِينُ i
Sa Iyo [lamang] kami sumasamba at sa Iyo [lamang] kami nagpapatulong. (5)
اهْدِنَا الصِّرَاطَ الْمُسْتَقِيمَ i
Magpatnubay Ka sa amin sa landasing tuwid: (6)
صِرَاطَ الَّذِينَ أَنْعَمْتَ عَلَيْهِمْ غَيْرِ الْمَغْضُوبِ عَلَيْهِمْ وَلَا الضَّالِّينَ i
ang landasin ng mga biniyayaan Mo, hindi ng mga kinagalitan, at hindi ng mga naliligaw. (7)