Surah Yūnus (Jonas — يونس) (Talata 13)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




10 Yūnus(يونس), Talata 13

وَلَقَدْ أَهْلَكْنَا الْقُرُونَ مِنْ قَبْلِكُمْ لَمَّا ظَلَمُوا ۙ وَجَاءَتْهُمْ رُسُلُهُمْ بِالْبَيِّنَاتِ وَمَا كَانُوا لِيُؤْمِنُوا ۚ كَذَٰلِكَ نَجْزِي الْقَوْمَ الْمُجْرِمِينَ 13 ١٣

Talaga ngang nagpahamak Kami sa mga [makasalanang] salinlahi bago pa ninyo noong lumabag sila sa katarungan samantalang naghatid sa kanila ang mga sugo nila [mula kay Allāh] ng mga patunay na malinaw ngunit hindi naging ukol na sumampalataya sila. Gayon Kami gumaganti sa mga taong salarin. (13)

Tafsīr
Talaga ngang nagpahamak si Allāh sa mga kalipunan bago pa ninyo, O mga tagapagtambal, dahil sa pagpapasinungaling nila sa mga sugo ni Allāh at pagkagawa nila ng mga pagsuway samantalang dumating na sa kanila ang mga sugo sa kanila na isinugo Niya sa kanila kalakip ng mga patotoong maliwanag na nagpapatunay sa katapatan ng mga ito sa inihatid ng mga ito mula sa ganang Panginoon ng mga ito. Ngunit hindi naging matuwid sa kanila na sumampalataya sila dahil sa kawalan ng paghahanda nila sa pananampalataya kaya nagtatatwa sa kanila si Allāh at hindi Siya nagtuon sa kanila doon. Kung paanong gumanti Kami sa mga kalipunang tagalabag sa katarungang iyon, gaganti Kami sa mga tulad nila sa bawat panahon at pook.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba