Surah Yūnus (Jonas — يونس) (Talata 15)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




10 Yūnus(يونس), Talata 15

وَإِذَا تُتْلَىٰ عَلَيْهِمْ آيَاتُنَا بَيِّنَاتٍ ۙ قَالَ الَّذِينَ لَا يَرْجُونَ لِقَاءَنَا ائْتِ بِقُرْآنٍ غَيْرِ هَٰذَا أَوْ بَدِّلْهُ ۚ قُلْ مَا يَكُونُ لِي أَنْ أُبَدِّلَهُ مِنْ تِلْقَاءِ نَفْسِي ۖ إِنْ أَتَّبِعُ إِلَّا مَا يُوحَىٰ إِلَيَّ ۖ إِنِّي أَخَافُ إِنْ عَصَيْتُ رَبِّي عَذَابَ يَوْمٍ عَظِيمٍ 15 ١٥

Kapag binibigkas sa kanila ang mga talata Namin [sa Qur’ān] bilang mga malinaw na patunay ay nagsasabi ang mga hindi nag-aasam ng pakikipagkita sa Amin: “Magdala ka ng isang Qur’ān na iba rito o magpalit ka nito.” Sabihin mo: “Hindi nagiging ukol sa akin na magpalit ako nito mula sa pagkukusa ng sarili ko. Hindi ako sumusunod maliban sa ikinakasi sa akin. Tunay na ako ay nangangamba, kung sumuway ako sa Panginoon, sa pagdurusa sa isang araw na sukdulan.” (15)

Tafsīr
Kapag binibigkas sa kanila ang mga talatang pang-Qur'ān na maliwanag na nagpapatunay sa paniniwala sa kaisahan ni Allāh ay nagsasabi ang mga tagakaila ng pagkabuhay na muli na hindi nag-aasam ng isang gantimpala at hindi nangangamba sa isang parusa: "Magdala ka, O Muḥammad, ng isang Qur’ān na iba sa Qur'ān na ito, na naglalaman ng panlalait sa pagsamba sa mga anito o ng iba pa sa mga ito, sa pamamagitan ng pagpapawalang-bisa sa isang bahagi nito o kalahatan nito, na umaayon sa mga pithaya namin." Sabihin mo sa kanila, O Sugo: "Hindi natutumpak na magbago ako mismo nito. Hindi ako nakakakaya – higit lalo pa – ng paghahatid ng iba pa rito, bagkus si Allāh lamang ay ang magpapalit nito ng loloobin Niya, sapagkat ako ay hindi sumusunod maliban sa isinisiwalat ni Allāh sa akin. Tunay na ako ay nangangamba, kung sumuway ako kay Allāh dahil sa pagtugon ko sa inyo sa hiniling ninyo, sa pagdurusa sa isang araw na sukdulan, ang Araw ng Pagbangon."

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba